Noong nasa kolehiyo ako, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagbakasyon sa bansang Venezuela. Masasarap ang mga pagkain doon, maganda ang klima at mababait ang mga tao. Pero ang napansin ko sa mga bagong kaibigan na nakilala ko na magkaiba kami ng pagpapahalaga sa oras. Halimbawa na lamang, kung magkikita-kita kami para sama-samang mag-tanghalian, hindi sila dumadating agad sa oras na pinag-usapan. Naisip ko na iba ang kulturang nakasanayan ko kaysa sa kanila na pagiging maagap sa oras.
Bawat isa sa atin may kanya-kanyang kultura na nakasanayan. Tinawag ni Apostol Pablo ang mga kulturang ito na “sa mundo” (Roma 12:2). Hindi ang pisikal na mundo ang kanyang tinutukoy rito kundi ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Tumutukoy ito sa mga pinaniniwalaan at nakasanayan na namana natin batay sa kung saang lugar tayo nakatira.
Nagbabala sa atin si Pablo na, “Huwag [nating] tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito.” Sa halip, hayaan nating baguhin ng Dios ang ating mga pag-iisip (Tal. 2). Nang sa gayon, mauunawaan natin ang kalooban ng Dios at “magagawa [natin] kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Dios” (Tal. 2 MBB).
Matuto nawa tayong sumunod at bigyang kaluguran ang Dios at hindi ang mga tao na nasa ating paligid.