Lumipat kami ng tirahan ng aking asawa. Pero kahit na malayo na kami sa aming mga anak, nais ko pa ring siguruhing nasa maayos silang kalagayan. Minsan, nakakita ako ng regalong maaari kong ibigay sa kanila. Isa itong lampara na maaaring ikonekta sa internet.
Kapag tinapik ko ang aking lampara, iilaw din ang kanilang lampara. Sinabi ko sa kanila na kapag nakikita nilang umiilaw ang kanilang lampara, ibig sabihin noon ay naaalala ko sila at idinadalangin. Kahit na malayo kami sa isa’t isa, ipinapaalala ng ilaw ng lampara ang pagmamahal namin sa isa’t isa.
Ang mga anak ng Dios ay maaari din namang maging ilaw sa iba sa tulong ng Banal na Espiritu. Ang buhay natin ay dapat kakitaan ng pag-asa at pag-ibig na nagmumula sa Dios. Nagbibigay liwanag ang buhay natin sa iba sa tuwing ipinapahayag natin si Jesus sa kanila at sa tuwing naglilingkod tayo sa iba. Ang bawat mabuting gawa, panalangin at pagtulong natin sa iba ay nagpapakita ng pag-ibig at pagkilos ng Dios sa ating buhay (Mateo 5:14-16).
Maaari kumilos ang Dios sa anumang kaparaanan upang magliwanag ang ating buhay saanman Niya tayo naroroon. Sa tulong ng Dios at ng Banal na Espiritu, maaari nating ipakita sa iba ang Kanyang presensiya at walang hanggang pagmamahal.