Noong 1859, si Monsieur Charles Blondin ang naging kauna-unahang taong nakatawid sa Niagara Falls habang nagbabalanse sa isang mahigpit na lubid. May pagkakataon na tumawid siya rito na buhat sa kanyang likod si Harry Colcord na kanyang manager.
May mga tagubilin si Blondin kay Colcord sa kanilang pagtawid: “Harry, sundan mo ang galaw ko sa pagtawid natin. Kung gumewang ako, gumewang ka rin. Huwag mong subukang magbalanse sa sarili mo. Mapapahamak tayong dalawa kapag ginawa mo iyon.”
May pagkakatulad dito ang sinabi ni Apostol Pablo sa mga nagtitiwala kay Jesus na taga Galacia. Sinabi niya sa kanila na hindi nila kayang mamuhay nang kalugod-lugod sa Dios na hiwalay kay Cristo. Kaya, dapat silang manampalataya at kumapit kay Cristo. Dapat ay ituring na nilang patay ang dati nilang pamumuhay. Ganoon din naman, dapat tayong mamuhay nang may pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa atin at nag-alay ng buhay Niya para sa atin (Galacia 2:20).
Mayroon ba tayong mabigat na problema na gusto nating tawiring mag-isa? Hindi tayo tinawag ng Dios upang mamuhay nang hiwalay sa Kanya. Tinawag Niya tayo upang kumapit sa Kanya at mabuhay na kasama Siya .