Matagal nang panahon na ninanais ng mga Keliko, isang tribo sa bansang South Sudan, na magkarooon ng sariling Biblia sa kanilang wika. Kaya naman, pangahas na sinimulan ito ng lolo ni Bishop Semi Nigo ang pagsasalin ng Biblia.
Pero sa hindi inaasahang pangyayari, naantala ito dahil sa giyera. Ang mga giyera ang naging balakid para hindi matapos ang pagsasalin ng Biblia sa kanilang wika.
Gayunpaman, dahil sa masidhing pagnanais ng mga Keliko na tapusin ang pagsasalin, nagtulong-tulong ang mga nagtitiwala kay Jesus at natapos din nila ang pagsasalin ng Biblia sa wikang Keliko.
Katulad ng pagsusumikap ng mga Keliko, iyon din ang iniutos ng Dios kay Josue. “Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay” (Josue 1:8). At dahil sa pagpupursigi ng mga Keliko, sila’y nagtagumpay din. Naisalin ang Bagong Tipan sa wikang Keliko at iyon ang nagbigay ng pag-asa sa kanila. Katulad ng mga Keliko, huwag tayong mawalan ng pag-asa at magsumikap tayong lalong maintindihan ang Biblia.