Minsan, naglilinis ako sa aming hardin nang may nakita akong dikit-dikit na damo. Kaya naman, binunot ko ang mga ito; nagulat ako dahil muntik ko nang maisama sa pag bunot ang isang makamandag na ahas. Napakalapit nito sa akin at maaari talaga akong matuklaw. Dahil sa pangyayaring ito, naisip ko kung ilang beses na kaya akong inililigtas ng Dios sa kapahamakan.

Nagpapasalamat ako sa Dios sa pag-iingat Niya sa akin dahil iniligtas Niya ako mula sa makamandag na ahas. Hindi rin pinabayaan ng Dios sina Moises at mga Israelita bago sila pumasok sa lupang ipinangako ng Dios.

Pinanghawakan nila ang pangako ng Dios na pangungunahan sila, sasamahan at hindi sila pababayaan. Kaya naman, hindi nila kailangang panghinaan ng loob o matakot dahil ang Dios ay matapat hindi sila pababayaan (Deuteronomio 31:8).

Hindi nakikita ng mga Israelita ang Dios, ngunit alam nila na lagi nilang kasama ang Dios. Katulad ng mga Israelita, may pagdaraanan din tayong pagsubok, pero lagi nating tatandaan na tapat ang Dios at lagi natin Siyang kasama. Katulad ng pag-iingat ng Dios sa mga Israelita, iingatan din Niya tayo. Hindi rin tayo pababayaan ng Dios sa lahat ng pagkakataon. Palagi natin Siyang kasama (Mateo 28:20).