Minsan, nang umakyat kami ng anak ko sa bundok, may nakita kaming malaking usok na nangagaling sa ‘di kalayuan. Dahil sa pagtataka, pinuntahan namin ito. Nakakita kami ng isang badger, isang uri ng hayop na mukhang daga; may hinuhukay itong kung ano sa ilalim ng lupa.
Para kunin ang pansin ng badger, itinulak ko ito gamit ang manipis na kawayan. Dahil sa ginawa kong pagtulak, tumilapon ang badger sa hindi kalayuan.
Sa pangyayaring iyon, naintindihan ko na hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan nating manghimasok ng buhay ng iba. Sinabi rin ito ni Apostol Pablo sa aklat ng Tesalonica “Sikapin ninyong mamuhay nang mapayapa, at huwag kayong makikialam sa buhay ng iba. Magtrabaho ang bawat isa para sa ikabubuhay niya, tulad ng ibinilin namin sa inyo” (1 Tesalonica 4:11).
Bilang mga nagtitiwala kay Jesus, ipanalangin natin ang isa’t isa imbes na makialam sa buhay ng iba. May pagkakataon din naman na kailangan nating punahin ang pagkakamali ng isa’t isa. Pero hindi ito ang pangunahing layunin natin bilang mga nagtitiwala kay Jesus. Katulad ng sinabi ni Pablo, ipanalangin at mahalin natin ang isa’t isa (Tal. 9). Mamuhay tayo nang tahimik at maging mabuting huwaran para tularan tayo ng ibang tao (Tal. 12 ).