Ang pagpikit natin sa ating mga mata ang isa sa mga dapat ginagawa habang nananalangin. Kaya naman, nang makita ni Kaitlyn si Logan na nakadilat ang mga mata habang nananalangin sa hapag sinabi niya “Nanalangin din po ako para kay Logan dahil nakabukas po ang mata niya noong nagdarasal tayo.”
Ang pagiging bata ni Kaitlyn ay hindi naging hadlang para malaman niya ang kahalagahan ng pananalangin para sa kapwa. Itinuro ni Oswald Chambers ang kahalagahan ng pananalangin para sa kapwa. Sinabi niya na ipanalangin natin ang mga kapwa kung paano nananalangin si Jesus sa Dios Ama. Ipagkatiwala natin sa Dios ang kanilang kalagayan dahil maasahan natin S’ya sa lahat ng bagay.
Nanalangin din si Propeta Daniel nang malaman niya na sa loob ng 70 na taon, magiging bihag sila ng Babilonia (Jeremias 25:11-12). Nanalangin si Daniel sa paraan na itinuro ng Dios (Daniel 9:4-6), nagpakumbaba siya (Tal. 8), inalala ang mga katangian ng Dios (Tal. 9), inamin ang lahat ng kasalanang ginawa sa Dios (Tal. 15) at ipanalangin niya ang kanyang kapwa (Tal. 18). Hindi nagtagal, tumugon ang Dios sa panalangin ni Daniel (Tal. 21).
Kaya naman, lumapit tayo sa Dios dahil nakikinig at tumutugon S’ya sa ating panalangin. Katulad ng pananalangin ni Daniel sa Dios, magpakumbaba rin tayo. Aminin ang mga nagawang kasalanan at magtiwala tayo sa Dios. Nakikinig at tumutugon ang Dios sa ating panalangin, katulad ng pagtugon Niya kay Daniel.