Isang manunulat si Etty Hillesum noong panahon na sakupin ng mga taga-Germany ang lugar ng Amsterdam. Isinusulat niya ang kanyang mga karanasan ganoon din ang mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Kasama sa mga naisulat ni Etty ang kahirapang pinagdaanan niya, ganoon din ang magagandang bagay na nangyari sa kanya katulad ng kanyang naging karelasyon, mga nakilalang mga kaibigan at ang kanyang unti-unting pagkilala sa Dios. Ginawa itong libro at naisalin sa 67 na wika; naging inspirasyon ito sa maraming mambabasa.
Sumulat din naman si Apostol Juan tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Isinulat niya ang mga himalang ginawa at mga pagsubok na naranasan ni Jesus. Pero hindi lahat ng pangyayari sa buhay ni Jesus ay isinulat ni Juan “Marami pang himalang ginawa si Jesus na nasaksihan ng mga tagasunod niya ang hindi naisulat sa aklat na ito” (Juan 20:30).
Ang layunin ni Juan sa pagsulat ng buhay ni Jesus ay para maipaalam sa lahat na “si Jesus nga ang Cristo, ang Anak ng Dios.” Ang mga nagtitiwala kay Jesus ay magkakaroon ng “...buhay na walang hanggan” (Tal. 31).
Kaya naman, napakahalaga ng pagbabasa natin ng Biblia dahil ito ang nagpapatunay na mahal tayo ng Dios. Ang pagbabasa ng Biblia ang magsisilbing gabay natin upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. Ang pagbabasa rin ng Biblia ang tutulong sa atin na magtiwala kay Jesus.