Minsan, tinutulungan ko ang aking anak na sagutan ang kanyang takdang-aralin sa mathematics. Pinapaulit-ulit ko na pasagutan sa kanya ang iisang tanong para makabisado niya kung paano ito sagutan. Dahil sa paulit-ulit na pagsasagot, sinabi niyang “Alam ko na po!” Napagod na siguro siya. Ipinaliwanag ko naman sa kanya na sa patuloy nating pagsasanay, matututunan natin ito nang buong puso.
Sinabi naman ng Apostol Pablo sa aklat ng Filipos ang kahalagahan ng pagsasanay “Ipamuhay n’yo ang lahat ng natutunan n’yo at tinanggap mula sa akin, sa salita at sa gawa, at sasainyo ang Dios na nagbibigay ng kapayapaan” (4:9). Ipinaalala din ni Pablo ang katangiang kailangang sanayin ng mga nagtitiwala kay Jesus.
Ibinilin niya na magkasundo sina Eudia at Syntique (Tal. 2-3); magalak ang mga nagtitiwala kay Jesus (Tal. 4); ipadama ang kagandahang loob (Tal. 5); manalangin na may pasasalamat sa Dios (Tal. 6-7) at laging isipin ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri sa Dios (Tal. 8). Itinuro itong lahat ni Pablo para gawin natin bilang mga nagtitiwala kay Jesus.
Hindi madaling sundin ang mga pagsasanay na sinabi ni Pablo pero maging masaya pa rin tayo “Sapagkat ang Dios ang siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanais at kakayahang masunod n’yo ang kalooban niya” (2:13). “At dahil kayo’y nakay Cristo Jesus, ibibigay sa inyo ng aking Dios ang lahat ng pangangailangan n’yo” (4:19).