Nalaman ko lang ang kahalagahan ng paghinga noong nalaman ko ang kalagayan ng aking kaibigan na si Tee Unn. Nanghina ang katawan niya at nahirapan na siyang huminga, kaya kailangan niya pang gumamit ng makina na tumutulong para makahinga siya.
Ang kalagayan ni Tee Unn noon ang nagdulot sa kanya ng matinding kahirapan. Ngunit iyon din ang nagpaalala sa kanya na pasalamatan ang Dios sa maliliit na bagay katulad ng simpleng paghinga.
May ibinigay naman na pangitain ang Dios kay Propeta Ezekiel tungkol sa mga kalansay ng tao, sabi niya “...walang hininga” (Ezekiel 37:8). Nang binigyan ng Dios ng hininga ang mga kalansay, muli itong nabuhay at nagkaroon ng laman (Tal. 10). Ang pangitaing iyon na ibinigay ng Dios kay Ezekiel ang nagpapakita na bibigyan muli ng Dios ang Israel ng pag-asa mula sa kahirapan na kanilang nararanasan. Kaya, anuman ang nangyayari sa ating buhay, alalahanin natin na magpasalamat sa Dios kahit pa sa mga simpleng bagay katulad ng paghinga.
Sa lahat ng mga nangyayari sa ating kapaligiran, huwag natin kalimutan na pasalamatan ang Dios sa mga ipinagkakaloob Niya sa atin, simple man ito o hindi. Huminto tayo sandali at “Ang lahat ng may buhay ay magpuri sa Panginoon” (Salmo 150:6).