Sa isang palabas sa telebisyon na tinatawag na America’s Got Talent, masayang umawit ang isang bata. At dahil sa kanyang ipinakitang paraan ng pagtatanghal, pinuri siya ng isang hurado. Sinabi ng hurado “Parang nakikita ko sa’yo si Shirley Temple, masaya rin kasi siya kung magtanghal.” Sumagot naman ang bata, “Hindi po si Shirley Temple, kundi si Jesus.”
Mababasa naman sa Biblia na ang mga sumasampalataya kay Jesus ay hindi lamang makatatanggap ng buhay na walang hanggan kundi makikita rin sa katauhan nila si Jesus sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (Colosas 1:27; Efeso 3:17).
Nang dahil naman sa pagkilos ng Dios sa ating buhay, nagiging mapagpasalamat tayo (Colosas 2:6-7), nagkakaroon din tayo ng dahilan upang magpatuloy sa ating buhay (1:28-29). Binibigyan tayo ng Dios ng kagalakan anuman ang nangyayari sa ating buhay (Filipos 4:12-13). Binibigyan Niya rin tayo ng pag-asa at kumikilos Siya nang hindi natin nalalaman (Roma 8:28). Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, binibigyan tayo ng Dios ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan (Colosas 3:15).
Ang pagkakaroon ng kapayapaan at kagalakan sa gitna ng kaguluhan ay nagmumula sa Dios, at sa ganitong mga pagkakataon, makikita ng mga tao ang Dios sa buhay ng mga nagtitiwala kay Jesus.