Ang werewolf mouse ay isang hayop na maliit pero malakas. Gumagawa ito ng mga matitinis na ingay na nagpapahiwatig na pag-aari nila ang isang lugar. Walang anumang insekto o hayop ang sumusubok na kalabanin sila maliban na lang sa mga alakdan.
Laging handa ang mga werewolf mouse sa maaaring mangyari laban sa mga alakdan; dahil sa paulit-ulit na labanan, nasasanay na ang katawan ng werewolf mouse sa kamandag na mayroon ang alakdan kaya hindi na sila masyadong naaapektuhan nito.
Katulad ng werewolf mouse, may sari-sariling kahinaan at kalakasan din ang tao. Sinabi ni Apostol Pablo sa Efeso 2:10 na darating ang panahon na gagamitin ng Dios ang kakayahan mo para maisagawa ang Kanyang layunin. Kaya huwag nang mangamba at isiping masyado kang mahina para gamitin ng Dios.
Habang binabasa mo ito at may pinagdadaanan kang pagsubok, nawa’y lakasan mo ang iyong loob. Nararamdaman mo man na mahina ka o hindi masyadong mahalaga, magagamit mo pa rin ang kakayahan na ibinigay sa iyo para papurihan ang pangalan ng Dios.