Minsan, nagpasyang magkita ang mga taong galing sa iba’t ibang lugar upang ayusin ang alitan na mayroon sila. Habang nananalangin para maayos ang hindi pagkakaintindihan, biglang bumuhos ang malakas na ulan na para bang sumasang-ayon ang Dios sa kanilang desisyon. Dahil dito, mas naramdaman nila na kasama nila ang Dios para magbigay ng kapatawaran at isaayos ang kanilang kaguluhan.
Sa kalbaryo, kung saan ipinako si Jesus, kumilos naman ang Dios. Pagkatapos mamatay ni Jesus, nayanig ang lupa, ang mga bato ay nahati sa gitna at ang libingan kung nasaan ang katawan ni Jesus ay bumukas (Mateo 27:51-52). Hindi lahat ay nagtiwala kay Jesus, ngunit ang sundalong nagbabantay doon sa harap ng krus ay agad na nagtiwala at nagsabing “Siya nga ang anak ng Dios” habang nanginginig at natatakot (Tal. 54).
Sa pagkamatay ni Jesus, pinatawad ng Dios ang lahat ng kasalanan ng mga magtitiwala sa Kanyang Anak. “Pinapanumbalik ng Dios ang mga tao sa kanya sa pamamagitan ni Cristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan. At kami ang kanyang pinagkatiwalaan na magpahayag ng mensaheng ito” (2 Corinto 5:19).
Pinatawad tayo ng Dios sa mga kasalanang ginawa natin sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus sa kalbaryo.