Noong 1893, idinaos ang World’s Fair sa Chicago at sobrang daming tao ang pumupunta doon para magpakasaya. Noong araw din na iyon, naghahanda si Dwight Moody sa kanyang pagtuturo ng Biblia. Gusto niya na mapuno ang isang tanghalan ng mga taong makikinig sa kanya. Pero salungat naman ito sa iniisip ng kaibigan niya, nais kasi ng mga tao na magsaya sa World’s Fair.
Sa hindi inaasahang pangyayari, ipinahintulot ng Dios na mapuno ang tanghalan ng mga taong gustong makinig sa ituturo ni Dwight. Ipinapakita ng pangyayaring iyon na hindi lamang ang kasiyahan ang gusto ng mga tao, kundi ang marinig at maintindihan ang katotohanan na nanggagaling sa Dios.
Sa pamamagitan ni Dwight, kumilos ang Dios sa buhay ng mga tao, naipagbuklod sila ng Dios para makinig sa mga itinuturo ng Biblia. Katulad ng pagkilos ng Dios kay Dwight, maaari rin nating ipahayag sa ibang tao ang “matatamis na salita” ng Dios (Salmo 119:103). Dahil para sa mga mang-aawit, ang katotohanang nanggagaling sa Biblia ay ang gabay ng Dios sa ating buhay (Tal. 105).
Paano makikita sa ating buhay ang pagmamahal natin sa salita ng Dios? Habang binabasa natin ang Biblia, magsisilbi itong ilaw sa madilim na landas ng ating buhay.