Natuklasan na rin sa wakas ang kasagutang matagal nang hinahanap. Ayon sa pag-aaral, ang pagpapahinga at pagbabakasyon ay isa sa mga paraan para humaba ang buhay ng tao.
Mas mababa ang naitalang namatay sa grupo ng taong naglalaan ng oras para magpahinga sa kabila ng pagiging abala nila sa pagtatrabaho.
Ang pagtatrabaho naman ay isang bagay na ipinagkatiwala sa atin ng Dios kahit noong bago pa masira ang ating relasyon sa Kanya (Genesis 3). Inihayag naman ni Solomon sa aklat ng Mangangaral na walang halaga ang pagtatrabaho kung hindi ito para sa kapurihan ng Dios (2:22-23). Dagdag niya rin na kahit natutulog ang tao, gumagana pa rin ang isip nito, nangangamba at nag-iisip ng mga bagay na hindi niya pa nagagawa (Tal. 23).
Sa mga ganoong pagkakataon, alalahanin natin na kasama natin ang Dios. Alam ng Dios ang mga kailangan natin kahit bago pa tayo manghingi sa Kanya. Ang mga bagay na mayroon tayo ay galing sa Dios, pinatunayan ito ni Solomon at sinabing “dahil paano natin makakain at mapapakinabangan ang mga pinaghirapan natin kung hindi ito ibibigay ng Dios?” (Tal. 25). Nawa’y huwag tayong mangamba sa kung ano ang kahaharapin natin dahil lagi nating kasama ang Dios. Sa katotohanang ito, maaari tayong magpahinga sa kabila ng ating mga alalahanin.