Minsan, may nangailangan ng tulong sa paglilipat ng mga libro; halos 200 na tao ang gustong tumulong para magawa ito. Pinagpasa-pasahan ang libro ng mga tao upang matapos ang kanilang layunin na paglilipat. Katulad ng paglilipat ng libro, kung magtutulungan tayo upang maipahayag ang magandang balita tungkol kay Jesus, hindi imposibleng lahat ng tao ay magtiwala kay Jesus.
Tayong mga nagtitiwala kay Jesus ang may kakayahang ipahayag ang pagmamahal at kaligtasan na nagmumula sa Dios. Ikinumpara naman ni Pablo ang paghahari ng Dios sa isang bukirin at tayo ang mga nagtatrabaho doon. May iba sa atin ang nagtatanim ng mga buto habang ang iba naman ang nagdidilig sa mga ito (1 Corinto 3:9).
Mahalaga ang mga tungkulin na ibinigay sa atin ng Dios. Mas lalo tayong nagpapatuloy na gawin ang layunin ng Dios tuwing naaalala natin na ganoon na lamang ang pagmamahal ng Dios sa atin kaya ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16).
May kakayahan tayong maisakatuparan ang mga layunin ng Dios. Kung magtutulungan tayo sa pagpapahayag ng pagmamahal ng Dios, maraming tao pa ang magtitiwala kay Jesus.