Isang taon na rin nang magsimula ang Bible School, kaya naman nagpasya si Ken na gumamit ng totoong tupa para gamitin sa pagtuturo ng Biblia sa mga bata. Noong una ay kailangan pang hilahin ni Ken ang tupa papasok sa silid-aralan. Habang tumatagal, kapag naririnig ng tupa ang boses ni Ken, sumusunod na agad sila. Dahil nagtitiwala na ang tupa kay Ken, kusa na itong sumusunod sa boses niya.
Ikinumpara naman ni Jesus ang Kanyang sarili sa isang pastol, at ang mga nagtitiwala naman sa Kanya ay mga tupa. Katulad ng katangian ng mga tupa na sumusunod lamang sa boses ng kanilang pastol, tayo rin naman ay sumusunod sa boses ni Jesus (Juan 10:4). Bilang mga anak ng Dios at may tamang relasyon sa Kanya, sa araw-araw nating pananalangin sa Kanya, unti-unti nating nakikilala kung ano ang boses ng Dios. Habang tayo ay nabubuhay, sumunod tayo sa boses ng Dios na siyang gagabay sa ating pamumuhay bilang mga anak ng Dios.
Sa ating patuloy na pakikinig sa boses ng Dios, kailangan nating mag-ingat dahil may maririnig din tayong boses na ang gusto lamang ay magnakaw, pumatay, wasakin at ilayo tayo sa Dios (Tal. 10).
Magtiwala tayo sa boses na nanggagaling sa Dios. Hindi katulad ng mga boses na gusto lang na mapasama tayo, ang boses ng Dios ang gagabay sa ating pamumuhay.