Mahirap ang pamumuhay sa Cateura, South America. Ang mga tao ay nabubuhay lamang sa pangagalakal ng mga basura, ngunit sa kabila ng kahirapang nararanasan ng mga tao, nagbago ang lahat nang mabuo ang grupo ng mga musikero.
Iba’t ibang instrumento ang ginagamit ng grupo: violin, saxophone at cello. Subalit wala silang pambili ng mga ito kaya gumawa sila ng paraan para magkaroon. Gumamit sila ng mga lata, tali, timba at tinidor para makagawa ng kanilang mga instrumento. Naging malikhain sila para makalikha ng mga instrumento gamit ang mga bagay na maituturing na basura.
Maraming pagkatataon sa ating buhay na malalagay din tayo sa hindi magandang sitwasyon, ngunit alalahanin natin na may magandang plano ang Dios. Katulad ng sinabi ng Dios sa pamamagitan ni Propeta Isaias “Ang disyerto ay matutuwa na parang tao. Mamumulaklak ang mga halaman dito. Aawit at sisigaw ito sa tuwa, at mamumukadkad ang maraming bulaklak nito” (35:1-2). Kamangha-manghang isipin na sa kabila ng hindi magandang kalagayan ng mga musikero, hindi sila nawalan ng pag-asa na magiging maayos din ang kanilang buhay.
Naging magandang halimbawa naman ang mga musikero para sa mga taong nahihirapan sa kanilang kalagayan. Kaya, magpatuloy tayo sa ating pamumuhay dahil maaayos din ang lahat ng bagay sa tulong Dios.