Minsan, nagpasya ang Reyna ng United Kingdom na bumisita sa bahay ni Sylvia para magkasama silang uminom ng tsaa. Sobrang naging aligaga si Sylvia sa pag-aayos ng bahay, sa paghahanda ng pagkain at pagbili ng magagandang bulaklak. Habang pauwi si Sylvia galing sa pagkuha ng mga bulaklak, naalala niya na ang Dios niya ang Hari ng mga hari at ang pinakadakila sa lahat. Kaya, bakit siya mangangamba sa pagbisita lamang ng isang Reyna.
Katulad ng sinabi ni Apostol Pablo sa 1 Timoteo 6:15 ang maka-pangyarihang Dios “Ang Hari ng mga hari at ang Panginoon ng lahat ng panginoon” at ang nagtitiwala sa Kanya ay ang mga anak ng Dios (Galacia 3:26).
Sa oras na tayo ay magtiwala sa Panginoon, itinuturing Niya na tayong mga anak ng Dios anuman ang ating estado ng buhay, lahi at kasarian (Tal. 28).
Masaya nga naman kung malaman mo na gusto kang bisitahin ng Reyna para makasamang uminom ng tsaa. Hindi naman mahihigitan ang kagalakan kapag nalaman mo na ang Panginoon ng mga panginoon ay nakakasama mo at nakakausap araw-araw. Sobrang saya isipin na itinuturing ng Dios na mga anak Niya ang lahat ng magtitiwala sa Kanya.