Sa isang giyera, mayroong mga sundalong gumagamot sa mga kapwa sundalo at isa doon si Desmond Doss. Ang mga lumilipad na bala at bomba ay hindi naging hadlang upang puntahan ni Doss ang mga sugatang sundalo, pinupuntahan pa rin niya ang mga ito para gamutin.
Maluwag sa kalooban ni Doss na pinasok niya ang ganitong uri ng trabaho kahit na alam niya na maaari siyang mamatay sa kanyang ginagawa. Sa kabila ng pagiging delikado ng kanyang trabaho, naging matapang si Doss para maisakatuparan ang kanyang tungkulin bilang sundalong gumagamot sa kapwa sundalo.
Si Haring David din naman ay matapang sa pagharap sa kanyang kaaway kagaya ni Doss. Sa halip na tumakbo, hinarap niya nang may buong tapang ang kanyang mga kaaway kahit mga armado pa sila (Salmo 11:2-3). Nagawa lamang iyon ni Haring David dahil nagtiwala siya sa Dios na kanyang kanlungan (Tal. 1).
Minsan sa buhay natin, magkakaroon din tayo ng mga pagsubok na sa sobrang hirap, gusto na nating sumuko. Sa ganitong pagkakataon, ano ang dapat nating gawin? Alalahanin natin ang sinabi ni Haring David sa Salmo na ang Dios ang Hari ng buong mundo (Tal. 4). Ang Dios ay makatarungan sa lahat (Tal. 5-6). At matuwid ang Dios sa lahat ng bagay (Tal. 7).