May madalas na tanong ang mga tao tuwing nakikita ang rebultong inukit ni Edward Bleiberg “Bakit walang ilong ang mga rebulto?” Maaaring sinadya ito dahil hindi lang isang rebulto ang walang ilong kundi marami pang iba. Katulad ng mga rebulto, hindi rin perpekto ang mga dios-diosan. Wala rin silang kakayahang magligtas ng mga tao.
Sa aklat ng Exodo sa Biblia, hindi alam ng Hari ng Egipto na ang sinasamba niyang dios-diosan ay walang kapangyarihan at hindi makapagliligtas ng sinuman. Hindi rin siya kayang iligtas ng mga sundalo na mayroon siya. Ang Dios lamang ang may kapangyarihan at may kakayahang magligtas sa mga nagtitiwala at sumasamba sa Kanya.
Noong nagdiriwang naman ang mga Israelita ng pista ng tinapay na walang pampaalsa, kumain sila ng tinapay na walang pampaalsa (Exodus 12:17; 13:7-9). Iniutos ito ng Dios para maalala ng mga Israelita na ililigtas sila ng Dios mula sa pagkaalipin sa Egipto.
Walang makahihigit sa Dios na makapangyarihan at may kakayahang magligtas ng buhay ng mga taong nagtitiwala sa Kanya.