Sa bansa ng Samoan, nagpapatattoo ang halos lahat ng mga kalalakihan bilang simbolo ng responsibilidad sa kanilang bayan at pamilya. Kaya naman, ang buong miyembro ng Samoan Rugby Team ay nababalutan ng mga tattoo ang braso.
Kaya, nang pumunta sila sa bansang Japan, nagkaroon sila ng kaunting problema tungkol sa kanilang tattoo. Mayroon kasing hindi magandang pagtingin ang mga taga Japan sa mga taong maraming tattoo. Pero, pinili ng mga taga Samoan na balutan ng damit ang kanilang mga braso. Sinabi ng Captain ng Samoan Rugby Team, “Iginagalang namin ang kultura ng Japan bilang aming pagmamahal sa kanila.”
Sa ating panahon ngayon na malaya ang bawat isa na ipahayag ang kanilang saloobin at gustong gawin, nakakamanghang makita ang mga taong pinipiling hindi sundin ang gusto nila para sa iba. Ganito rin naman ang nais iparating ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga taga Roma. Sinabi ni Pablo na minsan, ang ating pagmamahal ang pumipigil sa atin para bigyang halaga ang nais ng iba. Ipinaliwanag pa ni Pablo na malaya ang lahat na kumain ng kahit ano pero hindi dapat hatulan ang mga tao na gulay lamang ang kinakain (Roma 14:2;13). Sinabi pa ni Pablo, “Mas mabuti pang huwag nang kumain ng karne o uminom ng alak o gawin ang isang bagay kung iyon ang magiging dahilan ng pagkakasala ng iyong kapatid” (Tal. 21).
May pagkakataon na ang ibig sabihin ng pagmamahal ay pagpipigil sa ating sariling kalayaan upang bigyang daan ang nais ng iba. Ang pagmamahal ang siyang nagbibigay sa atin ng kakayahan para magawa iyon.