Habang nag-iikot ako noon sa bagong Aklatan sa aming komunidad, nakarinig ako ng malakas na tunog na parang may mabigat na bumagsak. Nasa pinakababang bahagi ng gusali nakapuwesto ang Aklatan na iyon. Paulit-ulit na nangyari ang ingay ng tunog.
Kaya naman, lumapit na ang namamahala sa Aklatan. Nagpaliwanag siya na ang itaas ng Aklatan ang lugar kung saan nagsasanay ang mga weight-lifter. Kaya maingay daw kapag naibabagsak ang mga binubuhat ng mga nag-eensayo. Kahit na mahuhusay na Arkitekto ang nagdisenyo ng gusali na iyon, nakalimutan naman nilang ilagay ang Aklatan sa isang lugar na malayo sa anumang ingay.
Minsan sa ating buhay ay may mga sablay na plano din tayong nagagawa. Kahit na nakakatulong ang sobrang ayos na pagpaplano para maiwasan natin ang magulong sitwasyon, hindi pa rin nito magagawang mawala ang lahat ng ating pinoproblema. Hindi na kasi tayo nakatira sa lugar na tulad ng Hardin ng Eden.
Gayon pa man, sa tulong ng Dios maipagkakatiwala natin sa Kanya ang ating kinabukasan (Kawikaan 6:6-8). Laging may magandang plano ang Dios kapag hinahayaan Niya tayong dumanas ng mga pagsubok. Maaaring ginagamit ito ng Dios upang pahabain ang ating pasensya, patatagin ang ating pananampalataya o matutunan nating magtiwala sa Dios. Ipinapaalala sa atin ng Biblia na, “Marami tayong mga pinaplano, ngunit ang kalooban pa rin ng Panginoon ang masusunod” (19:21). Ipagkatiwala natin kay Jesus ang ating mga pinaplanong makamit sa buhay. Nang sa gayon, malalaman natin kung ano ang nais ng Dios na ating mapag-tatagumpayan.