Noong taong 2020, nagkaroon ng matinding pandemya. Kumalat sa buong mundo ang coronavirus na nagdulot ng takot sa mga tao. Maraming tao ang dumaan sa quarantine at mga bansang nakalockdown. Kaya naman, sinabi ni Graham Davey isang dalubhasa sa paggamot ng mga taong labis ang pag-aalala, “Lubos na nagdudulot sa mga tao ang mag-alala at mabalisa kung patuloy silang manonood ng mga masasamang balita.”
Sumikat naman noon sa isang social media ang larawan ng isang taong nanonood ng mga balita sa TV habang nagtatanong kung paano siya makakaiwas sa pag-aalala. Makikita rin doon na binaliktad ang TV at tinanggal sa saksakan. Nagpapakita iyon na kailangan nating ituon ang ating pansin sa iba nang sa gayon hindi tayo mag-alala.
Nagbigay naman ng payo ang Biblia kung paano tayo makakaiwas sa pag-aalala, “Hanapin ninyo ang Kanyang kaharian” (Lucas 12:31 ABAB). Kung itutuon natin ang ating pansin sa mga pangako ng Dios, makikita natin ang nais ng Dios para sa atin. Kaya naman, sa tuwing dumaraan tayo sa matitinding pagsubok, ituon natin ang ating isipan sa Dios na siyang nakakaalam ng ating mga pangangailan (Tal. 24-30). Kikilos ang Dios para tulungan tayo.
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad, “Huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama Niya.” Nalulugod ang Dios na pagpalain ang mga nagtitiwala sa Kanya. Kaya naman, sambahin at purihin natin Siya. Iingatan at aalagaan Niya tayo ng higit sa mga ibon at bulaklak (Tal. 22-29). Pagbulayan natin ang Kanyang Salita, manalangin at magtiwala sa ating Dios na tapat sa Kanyang pangako.