Isang dalubhasa sa kasaysayan at tagapagbalita si Lucy Worsley. Dahil sa uri ng kanyang trabaho, madalas siyang makatanggap ng mga masasakit na salita mula sa mga manunuod. “Hindi ko kayang pakinggan ang paraan mo ng pagbabalita, para kang tinatamad magsalita. Pagandahin mo pa ang iyong pananalita”. Ito ang komento ng isang manunuod sa internet tungkol kay Lucy.
Para sa ibang tao, baka damdamin nila ang ganoong klase ng komento, pero sanay na si Lucy doon. Kaya naman, sa halip na magalit, sinagot niya na lang ito ng “Kumusta, tsaka mo na siguro ako pagsalitaan ng masama kapag kaya mo na itong sabihin sa harap ko. Sana pag-isipan mo muna ang sasabihin mo”. Sa sinabing iyon ni Lucy, nagtagumpay siya sa kanyang layunin. Humingi ng tawad ang nag komentong iyon at nangakong hindi niya na iyon uulitin pa.
Sinabi rin naman sa aklat ng Kawikaan sa Biblia “Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot, ngunit lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot” (15:1). Nagpapasimula ng gulo ang taong mainitin ang ulo, habang tagamapayapa naman ng gulo ang taong mahinaon (T.18). Sa mga pagkakataong makakatanggap tayo ng masasamang salita mula sa ating pamilya, kaibigan o kaya katrabaho, mayroon tayong pagpipiliang gawin. Puwede nating silang galit na sagutin o kaya naman, sagutin sila nang mahinahon.
Nawa’y tulungan tayo ng Dios na umiwas sa galit na maaari natin maramdaman sa mga pagkakataon.