Minsan, iniwan sa isang pagamutan ng mga hayop ang pusang si Radamenes. Malubha na ang kalagayan ng pusa kaya akala ng nagmamay-ari sa pusa na mamamatay na ito. Pero hindi nagtagal, gumaling din si Radamenes at inampon na siya ng isang doktor doon sa pagamutan. Naging isang tagapangalaga si Ramadanes ng mga hayop doon sa pagamutan. Sa pamamagitan ng pagtabi sa mga bagong opera na mga hayop, ipinapakita ni Ramedenes ang kanyang pagmamahal sa mga hayop na katulad niya.
Ganito rin ang pagmamahal at pag-aalaga sa atin ng Dios. Hindi tayo pinapabayaan ng Dios lalo na sa panahon na nahihirapan tayo. Sinasabi rin ni Apostol Pablo sa aklat ng 2 Corinto na “Siya’y maawaing Ama at Dios na laging nagpapalakas ng ating loob” (1:3). Sa panahon na pinanghihinaan tayo ng loob, nalulungkot o kaya kinakawawa tayo, tandaan natin na kasama natin lagi ang Dios at maaari tayong magsabi sa Kanya sa pamamagitan ng pananalangin. “Pinalalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap” (TAL. 4).
Pero hindi lang pinapalakas ng Dios ang ating loob, “sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Dios ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap” (TAL. 4). Pinapalakas ng Dios ang ating loob, kaya naman, palakasin din natin ang loob ng ating kapwa. Iparamdam natin sa ating kapwa ang ipinaparamdam sa atin ng Dios.
Sa mga panahong nahihirapan tayo, papalakasin ng Dios ang ating loob (TAL. 5). Tinutulungan tayo ng Dios para matulungan din natin ang ating kapwa.