Isang video game ang sikat na sikat, nilalaro iyon ng daan-daang manlalaro. Sa larong iyon, matira ang matibay at kung matalo ka naman, maaari mong mapanood ang mga natitirang manlalaro. “Kapag pinapanood mo na silang maglaro, parang ikaw na rin ang naglalaro. Mararamdaman mo ang halo-halong emosyon. Nagsisimula ka nang ilagay ang sarili mo sa lugar ng manlalaro at maiintindihan mo na rin ang bawat galaw nila”. Ito ang sinabi ng isang tagapamalita tungkol sa larong iyon.
Nagbabago talaga tayo kapag nasasaksihan natin ang mga pinagdadaanan ng mga tao. Maiintindihan kasi natin kung saan nanggagaling ang kanilang kalungkutan, takot at mga panalangin. Ganito rin ang inuutos sa atin ni Jesus na “Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili”.
Sa halip, “magpakumbaba kayo sa isa’t isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo” (Filipos 2:3). Kung gagawin natin ito, mas maiintindihan at mas maayos natin pakikitunguhan ang ating kapwa. Sa halip na isipin lang natin ang ating mga sarili, isipin din natin ang kapakanan ng ating kapwa (T.4). Sa halip na isipin nating kung ano ang makakabuti para sa ating mga sarili, mas piliin natin ang kung ano ang mas makakabuti at makakatulong sa ating kapwa.
Maipapakita natin sa iba ang pagmamahal na ibinigay sa atin ng Dios sa pamamagitan ng pagmamalasakit natin sa ating kapwa.