Minsan, pinanood ko ang aking apo na maglaro ng volleyball. Sa tuwing napupunta sa kanya ang bola, para bang nagiging mabuti ang laro ng kanilang mga miyembro at nakakapuntos sila. Tuwing napupunta sa apo ko ang bola, sinusubukan niyang pagandahin ang kalagayan ng kanilang laro.
Ganito rin naman ang ginawa ni Propeta Daniel kasama ng tatlo niyang kaibigan. Nang bihagin sila ng Hari na si Nebuchadnezzar at ikinulong, hindi nagalit si Daniel.
Sa halip, hiniling niya na hindi sila kakain ng mga pagkain na nagmumula sa kaharian upang hindi sila marumihan. Prutas at gulay lamang ang kinain nila (TAL. 12). Pagkatapos ng sampung araw na hindi kumain sina Daniel at ang tatlo niyang kaibigan ng mga pagkain galing sa kaharian, “nakita ng tagapagbantay na mas malusog sila kaysa sa mga kabataang kumakain ng pagkain ng hari” (TAL. 15).
May isang pagkakataon rin naman nang pagbantaan ni Nebucadnezzar sina Daniel at iba pa na papatayin sila kung hindi nila maipapaliwanag ang panaginip niya. Hindi rin natakot si Daniel noong panahong iyon, sa halip, nanalangin siya at nanghingi ng tulong sa Dios. Ipinaliwanag ng Dios kay Daniel ang panaginip ni Nebucadnezzar sa pamamagitan ng pangitain. Ipinaalam naman ni Daniel sa lahat na nanggagaling sa Dios ang katalinuhan at kapangyarihan (TAL. 20). Sa buong panahon na naging bihag si Daniel, anuman ang kanyang pinagdadaanan, ipinapanalangin niya ang mga ito sa Dios dahil alam niyang alam ng Dios ang makakabuti.