“Maayos naman ang hitsura niya, hindi lang gaanong kaganda para magustuhan ko siya”. Ganito inilarawan ni Mr. Darcy si Elizabeth sa nobelang Pride and Prejudice na isinulat ni Jane Austen. Dahil sa sinabing iyon ni Mr. Darcy, hindi ko na siya gusto at wala na akong planong bigyan pa siya ng atensyon dahil sa kasamaan ng ugali niya.
Sa nobelang iyon, masama rin ang tingin ni Elizabeth kay Mr. Darcy, pero habang tumatagal, nagbabago ang isip niya tungkol kay Mr. Darcy. Parang katulad ko rin si Elizabeth, hinuhusgahan ko rin ang mga tao batay sa unang pagtingin ko sa kanila. Naisip ko tuloy, maaaring may mga taong gustong makipagkaibigan sa akin, pero hindi ko hinahayaan dahil sa agad-agad kong panghuhusga.
Sa pamumuhay naman natin kasama si Jesus, minahal Niya tayo nang buong buo kahit pa makasalanan tayo (Roma 5:8, 1 Juan 4:19). Sa uri ng pagmamahal na ipinakita sa atin ni Jesus, mapagtatanto natin na dapat nating baguhin ang mga ugaling nakasanayan natin (Efeso 4:23-24). Mapagtatanto rin natin na kailangan rin na pakisamahan at magkaroon tayo ng payapang ugnayan sa ating kapwa. Mahalin natin sila katulad kung paano tayo minahal ni Jesus kahit pa makasalanan tayo (5:2).
Sa pag-alala natin kung gaano tayo kamahal ng Panginoong Jesus (Tal. 2), ganoon rin nawa natin mahalin ang ating kapwa.