Noong unang panahon, binubuo ng maraming kaharian ang bansang United Kingdom. Nagtitiwala kay Jesus ang Hari sa lugar ng Northumbria na si Oswald. Kaya naman, nag-utos siya na magpapunta ng isang taong nagpapahayag ng Salita ng Dios sa kanilang lugar. At iyon ay si Corman, kaya lang, hindi siya nagtagumpay magpahayag dahil ayon sa kanya, matitigas ang ulo ng mga tao sa lugar na iyon.
May sinabi naman ang isang monghe na si Aidan kay Corman. “Siguro, hindi maintindihan ng mga taong iyon ang sinasabi mo”. Sa halip kasi na magpahayag si Corman sa paraan na maiintindihan siya ng mga tao, ipinaliwanag niya ang Salita ng Dios sa mahirap na paraan. Kaya naman, pumunta si Aidan sa Northumbria, nagpahayag siya sa paraang madali siya maiintindihan ng mga nandoon. Sa huli, marami ang nagtiwala kay Jesus sa lugar na iyon.
Inalala kasi ni Aidan ang sinabi ni Apostol Pablo na sa una, dapat maging simpleng aral lamang muna ang ipangaral (1 Corinto 3:2). Bago ipangaral ang dapat na pamumuhay mayroon ang isang mananampalataya, dapat matutunan muna niya ang simpleng bagay na itinuturo ni Jesus. Kasama doon ang pagsisisi sa mga kasalanan at pagbabautismo (Hebreo 5:13, 6:2). Pagkatapos naman ang pagpapatibay ng pananampalataya (5:14). Hindi kasi makakasunod ang isang tao kung hindi niya naiintindihan ang mga katuruan.
Dumami pa ang mga nagtitiwala kay Jesus sa lugar ng Northumbrian. Kaya naman, pakatularan natin si Aidan sa pagpapahayag ng Salita ng Dios. Abutin natin ang mga tao batay sa kung ano lamang ang kaya nilang intindihin.