Habang buhat-buhat ng isang tatay ang kanyang anak, umaawit siya at hinehele ito. Pero may problema sa pandinig ang bata. Dahil dito, hindi naririnig ng bata ang pag-awit ng tatay niya. Gayon pa man, patuloy pa rin na umaawit nang may pagmamahal ang tatay sa anak niya kahit hindi ito makadinig. Nakangiti naman ang munting bata sa pag-awit ng tatay niya.

Katulad naman ng isang ama at anak ang mga nabanggit sa Aklat ng Zefanias sa Biblia. Ayon kay Propeta Zefanias, masayang umaawit ang Dios para sa Kanyang mga anak – ang mga Israelita (Zefanias 3:17). Nais ng Dios na laging magkaloob ng mabubuting bagay para sa mga anak Niya. Niligtas ng Dios ang bayang Israel laban sa mga pagpaparusa at pagpapahirap ng mga kaaway nila (Tal. 15). Sinabi ni Zefanias na walang dahilan pa para matakot at malumbay sila. Maaari silang tumawag sa Panginoon sa lahat ng panahon. Kasama nila lagi ang Dios.

Bilang mga nagtitiwala sa Dios, itinuring na Niya tayong mga anak Niya. Pero may mga pagkakataong hindi natin pinapakinggan ang mga sinasabi ng Amang Dios na nasa langit. Ang pagmamahal ng Dios ay tulad ng pag-awit ng ama sa batang anak niya kahit hindi ito makarinig.

Nararapat na matuto tayong makinig sa tinig ng ating Ama. Marapat ding sundin natin ang nais Niya. Marami tayong dahilan para magpuri at magpasalamat sa Dios. Iniligtas Niya tayo mula sa kaparusahan sa kasalanan, na nagbibigay sa atin dahilan upang magalak at magdiwang. Nararapat na palagi natin Siyang pakinggan at sundin.