Ayon sa isang balita, nakaranas ng matinding tagtuyot, init, at sunog ang bansang Australia. Nakasaad dito na sa loob ng isang taon, dumanas ng matinding tagtuyot ang nasabing bansa. Hindi naranasan ang pag-ulan doon. Maraming mga sunog ang naganap. Maraming mga isda at pananim ang namatay at nasira. Nangyari ito dahil nakalimutan ng mga taong pahalagahan ang pagkakaroon ng masaganang tubig na isang pagpapala.

Ganito rin ang naranasan ng bansang Israel. Nang naglalakbay sila sa disyerto, hindi nila alam kung saan sila kukuha ng tubig. “Walang tubig na mainom doon” (Exodus 17:1). Natakot ang mga tao dahil sa matinding pagkauhaw. Tuyong-tuyo ang lupa, ganun din ang mg lalamunan nila. Dahil sa sobrang takot, “inaway ng mga tao si Moises,” at humihingi sila ng tubig na maiinom (T.2). Pero anong magagawa ni Moises? Lumapit, nanalangin, at humingi ng pagpapala sa Dios si Moises.

Isang kakaibang utos ang binigay ng Dios kay Moises. “Kunin mo ang iyong baston...paluin mo ang bato, at lalabas ang tubig na iinumin ng mga tao (Tal. 5-6). Pinalo nga ni Moises ang bato. Umagos ang napakaraming tubig mula rito. Nakainom ang mga tao pati mga alagang hayop nila. Nasaksihan ng bansang Israel ang pag-ibig ng Dios sa kanila. Pinagpala sila ng Dios sa pagkakaloob ng masaganang tubig.

Matuturing na “panahon ng tagtuyot o disyerto” ang mga matitinding pagsubok sa buhay natin. Pero makakaasa tayo sa laging pagtulong ng Dios. Palaging masagana ang kagandahang-loob at pagtulong na kaloob Niya.