May isang babae akong nakikita na araw-araw na nag-eehersisyo sa aming lugar. Ang paraan ng pag-eehersisyo niya ay iba sa pagtakbo o pagjo-jogging. Isa siyang power walker. Ang power walking ay isang uri ng ehersisyo kung saan pinipigilan ng tao na huwag tumakbo nang mabilis. Tila hindi nito kailangan ng maraming enerhiya, pokus, at lakas. Pero kontrolado ng isang power walker ang bawat lakas at enerhiya na binibitawan niya.
Tila masasabi na isang hindi malakas na uri ng ehersisyo ang power walking. Maihahalintulad ito sa kababaang-loob na itinuturing na isang kahinaan. Pero ang totoo, hindi kahinaan ang pagiging mapagpakumbaba. Maituturing itong kalakasan kung saan ginagamit ng isang tao ang kanyang kakayahan sa tamang paraan.
Sinabi naman ni Propeta Micas na, “Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapakumbabang sumunod sa Dios” (Micas 6:8). Minsan, gusto nating maisakatuparan agad ang mga bagay gaya na lamang ang nakikita nating kawalang-katarungan sa mundo.
Pero kailangan nating hintayin ang pagkilos ng Dios at humingi tayo ng direksyon sa Kanya kung ano ang ating dapat gawin. Ang layunin natin ay ang makita na ang kalooban Niya ang nasusunod dito sa mundo at maging sa ating mga buhay.