Isang bagong mag-aaral sa kolehiyo si Caden. Inaasam na niyang magsimula ang eskuwela dahil sa scholarship niya. Kabilang si Caden sa gawain para sa Panginoon noong nasa hayskul siya. Nais niyang magpatuloy ang paglilingkod sa Dios hanggang sa pag-aaral niya sa kolehiyo. Nagtatrabaho rin si Caden habang nag-aaral para makaipon ng pera. Magaganda ang nabuong plano ni Caden. Nakaplanong lahat ang balak niya. Pero dumating ang pandemya nitong 2020. Binago ng krisis sa COVID ang halos lahat sa mundo.
Sinabihan na si Caden ng paaralan niya na magiging online ang klase nila. Hindi rin masisimulan ang mga gawain ng Panginoon sa kanilang paaralan. Nagsara pa ang pinagtatrabahuhan niya. Habang nalulumbay sa nangyari, nabanggit ng kaibigan ni Caden ang sinabi ng isang sikat na boksingero, “Oo, may plano ang bawat isa. Pero bigla kang masusuntok sa mukha, hanggang matumba ka.”
Ayon sa Kawikaan 16, kapag inilagak natin sa Dios ang mga plano natin, pagtitibayin Niya ito ayon sa kalooban Niya (Tal. 3-4). Mahirap makamtan ang lahat ng nais natin. Kaya naman, sumunod tayo sa nais ng Dios. Nararapat ding magtiwala tayo ng buong puso sa Kanya (Tal. 9; 19:21).
Maaaring magdulot ng kalungkutan ang mga nasirang plano. Pero dapat tayong magtiwala sa Dios. Alam Niya ang lahat ng bagay. Ang mga pagsubok ang maglalapit sa atin sa Dios. Patuloy lang tayong magtiwala sa Kanya. Makakaasa tayo sa laging paggabay Niya sa ating buhay (16:9).