Tila nasa isang misyon ang lalaking nasa unahan ko. Magpapalinis kami ng mga sasakyan namin. Sinadya niyang ibaba ang bubong ng trak niya para hindi matamaan ng mga panlinis. Agad siyang nagbayad para malinisan ito. Sumigaw ang lalaking tagalinis. “Huwag kang magmadali!” Pero nakasarado ang bintana ng trak niya. Hindi niya naririnig ang sigaw ng tagalinis. Halos hindi nabasa ng tubig ang trak ng lalaki. Nalinisan lamang ito sa loob ng apat na segundo.
Nasa isang misyon naman noon si Propeta Elias. Abala siya sa paglilingkod sa Dios. Tinalo niya ang mga propeta ni Baal sa isang kamangha-manghang tagpo (1 Hari 18:16-39). Kaya tila napagod siya. Kailangan niyang saglit na magpahinga at huwag magmadali.
Dinala ng Dios si Elias sa Bundok ng Horeb. Dinala rin ng Dios dito si Moises. Sa muling pagkakataon, niyanig ng Dios ang bundok. Pero hindi ito isang pagyanig na kasama ang hangin, lindol, at apoy. Sa halip, nakipagtagpo siya sa Dios at bumulong ang Dios kay Elias. “Nang marinig ito ni Elias, nagtakip siya ng kanyang mukha gamit ang kanyang balabal, lumabas siya at tumayo sa bungad ng kuweba” (1 Hari 19:13).
Tayo rin naman ay tila nasa isang misyon. Inatasan tayo ng Dios na maglingkod sa Kanya. Maglaan tayo ng panahon para paglingkuran Siya. Kung lagi tayong nagmamadali na matapos ang mga gawain para sa Kanya, maaaring hindi natin madinig ang iba pa Niyang ninanais para sa atin. Sinabi ng Dios, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na Ako ang Dios” (Salmo 46:10). Huwag tayo magmadali. Pahalagahan natin ang bawat oras habang naglilingkod sa Kanya.