Isang misyonaryong doktor sa bansang Congo si Helen Roseveare. Naging bilanggo siya nang magkaroon ng rebelyon sa Simba noong 1964. Binugbog at pinagsamantalahan siya ng mga bumihag sa kanya. Matinding hirap ang dinanas niya. Habang bihag siya, napaisip si Roseveare. “Karapat-dapat bang paglingkuran ang Dios?”
Iniisip ni Roseveare kung karapat-dapat bang paglingkuran ang Dios sa kabila ng mga dinanas niya. Pero muli siyang pinaalalahanan ng Panginoon. Kaya sinabi niya sa isang panayam, “Sa tuwing naaalala ko ang mga hirap na dinanas ko noong bihag ako, at naitanong ko sa aking sarili kung karapat-dapat bang paglingkuran pa rin ang Dios. Pero ipinapaalala Niya, ‘Sa halip na tanungin mo kung karapat-dapat ba Akong paglingkuran, mas mabuting tanungin mo kung karapat-dapat ka ba para sa Akin.” Napagtanto ni Roseveare na sa kabila ng hirap at sakit na dinanas niya, “Tunay na karapat-dapat paglingkuran ang Dios!”
Dahil sa kagandahang-loob at awa ng Dios sa buhay niya, nagdesisyon si Helen Roseveare na patuloy na maglingkod sa Dios. Naisip niya na karapat-dapat paglingkuran si Jesus na namatay para magkaroon siya ng buhay na walang hanggan. Paulit-ulit na sinasabi sa Aklat ng Pahayag sa Biblia ang katagang, “Karapat-dapat Siya!” “Umaawit sila nang malakas: “Ang Tupang pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian, at kapurihan!” (5:12).
Tunay na karapat-dapat na bigyang papuri at pasasalamat si Jesus sa dakilang sakripisyo Niya para sa atin. Karapat-dapat Siyang purihin at sambahin!