Matanda na si Ginang Goodrich at may mga pagkakataong pinagbubulayan niya kung ano ang mga naranasan niya sa buhay. Minsan, habang nakaupo siya malapit sa kanyang bintana at nakatingin sa magandang dalampasigan, inabot niya ang papel at sumulat ng isang tula.
“Nakaupo ako at nagmamasid sa aking paligid. Pagkamangha ko ay walang patid. Kay gandang pagmasdan ang araw at alon. Saya sa puso ko’y hindi ko maitago. Nagpapasalamat ako, sa Iyo aking Ama. Sa Iyong pagmamahal at walang humpay na biyaya. Lubos akong namamangha, sa aking Dios. Kaya naitanong ko, paano nangyari ito? Ang Taong hindi ko nakikita ay mahal na mahal ko.”
Namangha rin naman si Apostol Pedro sa kabutihan at pag-ibig ni Jesus. Nakita niya si Jesus, pero hindi nakita si Jesus ng mga sinulatan ni Pedro. “Kahit hindi n’yo Siya nakita … ay sumasampalataya pa rin kayo sa Kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ipahayag ng bibig” (1 Pedro 1:8). Dahil sa tulong ng Banal na Espiritu kaya minamahal natin si Jesus (Tal. 11) at nakikita rin naman natin kung gaano Niya tayo kamahal.
Hindi lamang natin naririnig ang kabutihan ng Dios. Nararanasan din natin at nakikita na tinutupad ng Dios ang Kanyang mga pangako sa ating mga buhay.