Noong 2017, natalo ng Soca Warriors ang koponan ng manlalaro ng Amerika sa larong football. Ang Soca Warriors ay mula sa maliit na bansa ng Trinidad at Tobago. Hindi inaasahan ang pagkapanalo ng Soca Warriors dahil higit na mahuhusay ang manlalaro ng Amerika. Hindi nagpatinag ang Soca Warriors at ang determinasyon nila ang naging susi upang manalo sila at makapasok sa 2018 World Cup.
Katulad din naman ito sa isang labanan na nangyari sa pagitan ng mga Israelita at mga Midianita. Malalakas at marami ang mandirigma ng mga Midianita. Gayon pa man, 300 na mandirigmang Israelita lamang mula sa 30,000 mandirigma ang ipinadala ng Dios upang lumaban sa mga Midianita. Ginawa ito ng Dios upang malaman ng mga Israelita na natalo nila ang kalaban sa tulong at kapangyarihan ng Dios at hindi sa dami nila o sa sarili nilang kakayahan (Mga Hukom 7:1-8).
May mga pagkakataon na umaasa tayo sa sarili nating kalakasan o kakayahan upang magawan ng solusyon ang ating mga problema, pero hindi ganoon ang buhay na umaasa sa Dios lamang.
Kung lubos tayong aasa sa Dios sa dakila Niyang kapangyarihan (Efeso 6:10), buong tapang nating mahaharap ang mga mahihirap na sitwasyon sa ating buhay kahit parang pagod na pagod na tayo. Masasaksihan din natin ang kamangha-manghang pagtulong at pagkilos ng Dios sa ating buhay.