Bida sa isang palabas sa telebisyon si Ginoong Adrian Monk. Isa siyang detective na maraming kinatatakutan gaya na lamang ng mga karayom, bubuyog, pagsakay sa elevator at marami pang iba. Pero nang makulong sila ng kontrabidang si Harold Krenshaw sa likuran ng isang kotse, napagtagumpayan niya ang isang kinatatakutan niya. Ito ay ang claustrophobia o ang takot na makulong sa isang maliit na lugar.

Takot na takot sina Adrian at Harold habang nakakulong sila sa likuran ng kotse. Pero sinabi ni Adrian kay Harold na hindi sila dapat matakot sa dahil pinoprotektahan sila nito sa masasamang bagay. Nasabi pa niya na dapat na ituring na kaibigan ang lugar na iyon kaysa sa katakutan.

Mababasa naman natin sa Salmo 63 ng Biblia kung paano naging kanlungan ni Haring David ang isang lupang tigang sa ulan. Kahit nasa mahirap na sitwasyon si David, inalala pa rin niya ang kapangyarihan, kaluwalhatian at pag-ibig ng Dios (Tal. 1-3).

Ipinadama ng Dios kay David ang Kanyang pangangalaga at pagmamalasakit sa gitna ng lupang tigang na ito. Natutunan ni David na kapag umasa siya sa Dios, maaari pa rin siyang magalak “tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan” (Tal. 5). Nagkaroon din si David ng pag-asa at kalakasan mula sa pag-ibig ng Dios na “mahalaga pa kaysa sa buhay” (Tal. 3).