Nasa kalagitnaan noon ng American Revolutionary War nang magsimulang ipadala ang puwersa laban sa mga taga-Britanya na nasa Quebec. Papuntang Canada ang mga sundalo nang mapadaan sila sa Newburyport, Massachusetts. Dito nakalibing ang isang kilalang mangangaral ng Biblia na si George Whitefield.
Binuksan nila ang kabaong nito at kinuha ang kanyang damit upang pag-pira-pirasohin. Naniniwala kasi ang mga sundalo na mananalo sila sa digmaan kapag dinala nila sa digmaan ang mga piraso ng damit ng mangangaral ng Biblia.
Natalo sa digmaan ang mga Amerikanong sundalo. Ang pangyayaring ito ay isang halimbawa ng masyadong pagtitiwala natin sa mga bagay o tao sa mundo imbes na sa relasyon natin sa Dios. Ganito rin ang paalala ng Dios noon sa mga Israelita. Mas pinili kasi nilang humingi ng tulong sa Faraon kaysa sa Dios. “Magbalik-loob kayo sa Akin at pumanatag, dahil ililigtas Ko kayo. Huwag kayong mabahala kundi magtiwala sa Akin, dahil palalakasin Ko kayo. Pero tumanggi kayo at sinabi ninyo, ‘Makakatakas kami sa aming mga kaaway, dahil mabibilis ang aming mga kabayo.’ Oo nga, makakatakas kayo pero mas mabibilis ang mga hahabol sa inyo” (Isaias 30:15-16).
Natalo din sila sa digmaan katulad ng sinabi ng Dios at nasakop sila ng mga taga-Juda. Ngunit sinabi rin ng Dios: “Naghihintay ang Dios na kayo’y lumapit sa Kanya para kaawaan Niya. Nakahanda Siyang ipadama sa inyo ang Kanyang pagmamalasakit. Sapagkat ang Panginoon ay Dios na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa Kanya” (Tal. 18).