Ayon sa libro ni John Sowers na Fatherless Generation, sa kasalukuyang henerasyon daw, 25 milyong bata ang lumalaking walang ama sa kanilang tahanan.
Sa akin naman, bilang ulila na rin ako sa aking ama, kung sakaling makasalubong ko ang tatay ko sa kalsada ay malamang hindi ko ito makikilala. Noon kasing naghiwalay ang aking mga magulang, sinunog ang lahat ng larawan ng aking tatay. Lumipas ang panahon, at naging labing-tatlong taong gulang na ako nang marinig ko ang The Lord’s Prayer (Mateo 6:9-13) sa unang pagkakataon. Nasabi ko tuloy sa sarili ko, “Wala ka mang tatay dito sa lupa ngunit may Ama ka naman sa langit.”
Tinuturuan tayo sa Mateo 6:9 na manalangin gaya nito, “‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa kayo ng mga tao.” Sa tal. 7, tinuruan tayong “huwag gumamit ng maraming salita” kapag nanalangin, at maaring mapa-isip tayo kung anong koneksyon nito sa mga ibang talata. Naunawaan kong naaalala ng Dios ang lahat ng bagay, kung kaya hindi natin kailangan magpaulit-ulit. Naiintindihan Niya ang lahat ng bagay, kung kaya hindi kailangang magpaliwanag. Siya ay mabuting Dios, kung kaya hindi natin kailangan mag-alala. At dahil alam niya ang lahat, alam nating mangyayari ang lahat ng bagay sa panahon na kanyang itinakda.
Ang Dios ay Ama natin sa langit. Kung kaya, hindi na natin kailangan pang gumamit ng “maraming salita” (Tal. 7) para matuwa Siya. Sa ating pananalangin, ang kausap natin ay ang ating Ama na nagmamahal at may pagpapahalaga sa atin, tayo ay itinuring Niyang anak sa pamamagitan ni Jesus.