Nagmadaling pumunta si Ellen sa kanyang mailbox at isang sobre ang dumating para sa kanya. Nanggaling ito sa kanyang matalik na kaibigan. Naikuwento kasi ni Ellen dito ang kanyang problema. Dali-dali niyang binuksan ang sobre ang tumambad sa kanya ang isang makulay na kwintas. Kalakip nito ang isang card na may slogan na “Say it with Morse Code.” May nakalagay ditong mensaheng nangangahulugang, “Sundin ang kalooban ng Dios.”

Sa Biblia, puno ng karunungan ni Solomon ang Aklat ng Kawikaan. Itinuturo sa ika-tatlumput-isang kabanata nito ang pakikinig sa karunungan at pag-iwas sa kahangalan. Ang ganitong paksa ay magsisimula sa Kawikaan 1:7, “Ang pagkatakot sa Panginoon na may paggalang ang simula ng karunungan.” Ang karunungan, o ang kaalaman sa paggawa ng tama sa takdang panahon, ay ipagkakaloob ng Dios sa mga sumusunod sa Kanya. Sa mga unang bahagi ng Kawikaan, mababasa ang isang payo: “Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang, dahil ito’y makapagbibigay sa iyo ng karangalan katulad ng koronang gawa sa bulaklak at makapagpapaganda katulad ng kuwintas” (Tal. 8-9).

Dinala si Ellen ng kanyang kaibigan sa tunay na Pinagmumulan ng karunungan: ang pagsunod sa kalooban ng Dios. Ang kuwintas ang naging daan upang malaman ni Ellen kung saan matatagpuan ang tulong na kanyang kinakailangan.

Sa pagsunod at pagbibigay kapurihan natin sa Panginoon, matatanggap natin ang karunungan na kakailanganin natin sa bawat panahon ng ating buhay.