Hindi ikinatuwa ni S’mores, ang alagang pusa ni Conner at Sarah Smith, ang ginawang paglipat ng tirahan ng kanyang mga amo. Dahil dito naglayas si S’mores. Isang araw, nakita ni Sarah sa social media ang kanilang dating bahay at napansin niya doon si S’mores!
Pumunta sila sa dating bahay upang kunin si S’mores. Ngunit lumayas at bumalik lang ulit ito sa dating bahay. Kung kaya, pumayag na ang bagong may-ari ng bahay na alagaan nalang si S’mores. Wala nang nagawa sila Sarah dahil alam nilang laging babalik si S’mores sa kanyang “tahanan.”
Mataas naman ang posisyon ni Nehemias sa hukuman ng hari, ngunit nasa ibang lugar ang kanyang puso. Narinig niya ang balita ukol sa kalunos-lunos na kondisyon ng “lungsod na pinaglibingan ng kanyang mga ninuno” (Nehemias 2:3). Kaya nanalangin siya, “Alalahanin po Ninyo ang sinabi N’yo noon kay Moises… Ngunit kung manunumbalik kayo sa Akin at tutupad sa mga utos Ko, kahit mangalat pa kayo sa pinakamalayong lugar, titipunin Ko kayong muli sa lugar na pinili Ko upang Ako’y parangalan’ ” (1:8-9).
Iba pa rin talaga ang tahanan. Para kay Nehemias, ang pagkasabik sa tahanan ay higit pa sa pagkasabik sa lupang tinubuan. Ang makasama ang Dios ang pinakakinasasabikan niya. Ang Jerusalem naman ang tinutukoy na “lugar na pinili Ko upang Ako’y parangalan.” Ang pagkainis o pagkainip na nararamdaman natin ay madalas dahilan ng pananabik sa Panginoon. Sabik na tayong umuwi sa tunay nating tahanan, kasama Siya.