Sa isang kalye, makikita ang isang bahay na may isang malaking inflatable ng isang agila na balot ng mga kulay ng watawat ng bansang Amerika. Sa gilid nito, ay isang truck. Ang bintana naman nito ay may pintura din ng isang watawat. Sa di naman kalayuan, ay matatanaw ang isang bakuran na mayroong slogan ng mga isyu na kasalukuyang laman ng mga balita.
Ang magkakapitbahay kaya ay nagtatalo o magkakaibigan? Posible kayang ang mga pamilya na ito ay mananampalataya ni Jesus. Tinatawag tayo ng Dios na isa-buhay ang nasusulat sa Santiago 1:19: “Tandaan n’yo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit.”
Madalas ay masyado ang pagyakap natin sa sarili nating pananaw at nalilimutan nating intindihin din ang pananaw ng iba. Sinabi ni Matthew Henry sa kanyang isang komentaryo, “Kailangan nating matutong maging mabilis sa pakikinig ng dahilan at katotohanan sa lahat ng panig, at maging mabagal sa pananalita…at, kung magsasalita tayo, dapat walang halong galit.”
Sabi nila, “Kailangan ng pakikinig sa pag-aaral.” Ang mga praktikal na utos ng Panginoon sa Aklat ni Santiago ay makakamit lamang sa pamamagitan ng mapagmahal na Espiritu ng Dios at pagrespeto sa iba. Handa Siyang baguhin ang ating puso at ugali. Handa ba tayong makinig at matuto?