Pagkatapos ng matagal na paghihintay, natuwa ang mag-asawang Richard at Susan nang malamang magkakaanak na sila. Pero, dahil sa mga komplikasyon, nanganganib ang buhay ng sanggol. Ipinanalangin ni Richard ang kanyang mag-ina, hanggang isang gabi, napagtanto ni Richard na nangako na ang Dios na iingatan Niya ang kanyang mag-ina, kaya di na niya ito kailangan pang mataimtim na ipanalangin.

Pagkaraan ng isang linggo, nalaglag ang bata sa sinapupunan ni Susan. Naisip tuloy ni Richard, “Nalaglag kaya ang bata, dahil hindi siya taimtim na nanalangin?”

Sa una, aakalain natin na tama si Richard sa kanyang napansin. Sa isang kuwento naman sa Biblia, tumulong lamang ang kapitbahay sa kanyang kaibigan dahil sa kakulitan nito (Lucas 11:5-8). Ibig sabihin ba nito, ibibigay lang ng Dios ang mga kailangan natin kung mangungulit tayo sa Kanya? At kung hindi tayo taimtim na mananalangin, maaring hindi Niya tayo tulungan?

Taliwas dito ang paniniwala ni Klyne Snodgrass na isang mag-aaral ng Biblia. Ayon sa kanya, mali raw ang pagkaiintindi natin sa kuwentong ito na sinabi sa Biblia. Sabi niya, kung ang kapitbahay sa kuwento ay tumulong kahit may makasariling intensyon, ano pa kaya ang mapagbigay nating Dios? Ibig sabihin, maaari tayong manalangin ng may pananalig na ibibigay ng Dios ang lahat ng ating kailangan (Tal. 9-10). Isipin din natin na higit na dakila at makapangyarihan ang kaysa sa atin (Tal. 11-13). Kayang-kaya ipagkaloob ng Dios ang ating mga pangangailangan nang ayon sa Kanyang kalooban.