Minsan, nagtanong ang BBC Music Magazine sa 150 na pinakamagagaling na orchestra conductors sa mundo kung ano para sa kanila ang pinakamagandang musika. Sagot ng karamihan ang isinulat ni Beethoven na Eroica na may kahulugang kabayanihan.
Isinulat niya ito sa gitna ng kaguluhan sa France kasabay ng unti-unting pagkawala ng kanyang pandinig. Maririnig sa musika na iyon kung paanong lumalaban pa rin ang isang tao kahit na humaharap sa maraming problema. Dahil sa kagalingang gumawa ng musika, kinikilala pa rin si Beethoven hanggang ngayon.
Katulad ni Beethoven na nagbigay ng inspirasyon sa mga tao, ganoon din ang ginawa ni Apostol Pablo sa aklat ng unang Corinto. Sinabi niya na pagpapalain tayo ng Dios araw-araw (1:4-9), ngunit darating ang panahon na makakaramdam tayo ng matinding kalungkutan dahil sa mga problema (11:17-22) pero sa huli ay babangon pa rin muli mula sa kalungkutan sa pamamagitan ng tulong ng Dios (12:6-7).
Nawa mapagtagumpayan natin ang buhay hindi para sa sarili, ngunit para sa ikapupuri ng Dios. Sa ating buhay, maramdaman nawa natin ang pagmamahal ng Dios sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus doon sa Krus at manguna nawa sa buhay natin ang Banal na Espiritu. Sa ganitong paraan, mapagtatagumpayan natin ang anumang pangyayari na maranasan natin habang nabubuhay.