Hindi ako naging tapat sa aking anak. Binigyan niya kasi ako ng packaged bulbs ng tulips, mula Amsterdam, na magagamit ko upang magtanim ng tulips sa aking hardin. Nagpanggap akong masaya at sabik sa pagtanggap ng tulips kahit hindi ko naman ito paboritong bulaklak. Maaga itong mamulaklak ngunit mabilis ding malanta. Sumabay pa ang init na dala ng buwan ng Hulyo kaya napakahirap nitong patubuin.
Nang dumating ang Setyembre, sinubukan ko nang itanim ang mga tulips na bigay ng aking anak — nasa isip ko ang aking anak at ang pagmamahal ko sa kanya, sa pag-alaga ko sa mga bulaklak. Sa bawat pagbungkal ko ng lupa ay paigting nang paigting din ang pag-aalala ko sa mga ito. Sa huli, kinausap ko ang mga ito at sinabing, “matulog kayo ng mahimbing,” umaasa akong mamumulaklak ang mga ito sa tagsibol.
Naalala ko tuloy sa pagtatanim ang panawagan ng Panginoon na mahalin natin ang ating kapwa, kahit ang mga taong hindi natin “gusto.” Hindi pinapansin ang mga “damo” ng pagkakamali, tinutulungan tayo ng Panginoon na mahalin ang ating kapwa, sa anumang panahon. Kalaunan, makikita natin na umiigting at namumulaklak ang pagmamahal natin sa isa’t-isa.
Sinabi ni Jesus, “Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat ng tao na mga tagasunod Ko kayo” (Tal. 35). Sa Kanyang pag-aalaga, tayo’y magmimistulang mga tulips na namumulakak — sa linggo ding iyon binisita ako ng aking anak. “Tignan mo kung ano ang namumulaklak!” Sinabi ko. Sa wakas, ako.