Kahit na may sakit na autism ang pamangkin kong si Jared. Naaalala pa rin niya ang lahat, kahit ang pinakamaliliit na detalye ng mga nangyari sa kanya. Katulad na lamang nang ipaalala niya sa akin noong isinama ko siyang magpagupit at mamili. Naaalala ni Jared ang mga bagay at pangyayari kahit ilang taon na ang nagdaan nang maganap ang mga ito.

Natatandaan man ni Jared ang bawat pangyayari sa kanyang buhay. Nalalaman naman ng mapagmahal at mabuti nating Dios ang lahat. Alam Niya ang lahat ng bagay. Hindi rin Niya nalilimutan ang Kanyang mga pangako o ang mga anak Niya.

Naranasan mo na bang mag-isip na kung nakalimutan ka na ba ng Dios? Na tila ba sa tingin mo ay mas pinapagpapala Niya ang iyong kapwa?

Nakaranas ang bayang Israel na tila kinalimutan sila ng Dios, “pinabayaan na kami ng Panginoon; nakalimutan na Niya kami” (Isaias 49:14). Pero ang totoo, mas higit pa ang pagmamahal ng Dios sa atin kaysa sa pagmamahal ng isang ina sa anak niya (Tal. 15). Maalala nawa natin ang dakilang ginawa ni Jesus sa krus bago natin sabihing kinalimutan at pinabayaan na tayo ng Dios. Namatay si Jesus para sa mga pagkakasala natin. Malinaw at tapat ang pangako ng Panginoon, “Pero Ako, hindi makakalimot sa inyo!” (Tal. 15).