Mahal ng mga taga-Inglatera si Cuthbert na isang nagtitiwala sa Dios. Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa niya. Nagbahagi siya ng Salita ng Dios sa malaking bahagi ng Inglatera. Gayon din sa mga hari, reyna, at mga kilalang tao noong ika-pitong siglo. Maliban dito, marami pang ginawa si Cuthbert na nagpapakita ng kanyang kadakilaan.

Isa na dito, noong binisita ni Cuthbert ang lugar na naapektuhan ng salot. Bago umalis, sinigurado niyang naipagdasal niya ang lahat ng tao. Nakita niya roon ang isang babae na yakap-yakap ang anak niya, na nasa bingit na ng kamatayan. Agad na kinuha ni Cuthbert ang may sakit na bata. Ipinagdasal niya ito at hinagkan. Sinabi pa niya sa babae “Huwag kang matakot. Walang sinumang mamamatay sa pamilya mo.” Ayon sa mga tao, gumaling ang batang ipinagdasal niya.

Itinuro naman si Jesus ang tungkol sa kadakilaan sa pamamagitan isang bata. Sinabi Niya, “Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa Akin ay tumatanggap din sa Akin” (Marcos 9:37). Ang ibig sabihin naman ng salitang “pagtanggap” sa kultura ng mga Judio ay pagsilbihan tulad sa isang bisita. Kaya naman nakakagulat ang itinuro ni Jesus. Dahil mga bata ang dapat pagsilbihan at hindi mga matatanda. Nais lang bigyang diin ni Jesus na nagsisimula ang tunay na kadakilaan sa paglilingkod sa mga maliliit at mga mahihina (Tal. 35).

Isang napakadakilang buhay ang ipinamuhay ni Cuthbert. Marami siyang taong natulungan at nabago. Pagpapakita rin ito ng kadakilaan ng Dios na pinagtitiwalaan Niya.