Nakamit ni Ryan Hall ang titulo bilang pinakamabilis na atleta na natakbo ang kalahati ng marathon sa Amerika. Noong tinakbo niya ang 21 kilometro sa loob lamang ng limapu’t siyam na minuto at apatnapu’t tatlong segundo. Magkahalong saya at lungkot naman ang naramdaman ni Hall sa tagumpay na ito. Masaya dahil sa bagong titulo, lungkot naman dahil hindi niya natapos ang buong marathon.
Naranasan ni Hall ang magtagumpay at mabigo. Ang pananampalataya niya sa Dios ang siyang nagiging gabay at tulong niya para malampasan ang mga pagkabigo niya. Isang magandang paalala ang paboritong talata ni Hall mula sa aklat ng Kawikaan, “ang taong matuwid, mabuwal man ng pitong ulit ay tiyak na makakabangon ulit” (24:16).
Isang magandang paalala rin naman ito sa ating mga nagtitiwala sa Panginoon. Makakaranas pa rin tayo ng mga paghihirap at pagsubok sa buhay natin. Pero kung magtitiwala tayo sa Dios sa kabila ng mga pagsubok na ito, tiyak na tutulungan Niya tayong tumayo at bumangon muli.
Nakaranas ka ba ng matinding pagsubok sa buhay mo na tila hindi ka na makakatayo muli? Maganda ang paalala ng Salita ng Dios. Huwag tayong magtiwala sa sarili nating lakas. Matuto tayong magtiwala sa kapangyarihan at pangako ng Dios. Pagkakalooban Niya tayo ng kalakasan sa bawat maliliit at malalaking pagsubok na kinakaharap natin. Magtiwala lang tayo sa Kanya. Nariyan Siya para tulungan tayong muling makabangon (2 Corinto 12:9).